UV Express tirador, No. 1 wanted sa Davao

ISA sa mga miyembro ng UV Express ‘tirador’ gang ay natuklasan na isa rin sa pinaka-most wanted sa lungsod ng Davao.

Ayon kay SPD Chief Superintendent Benito Estipona, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa Criminal Investigation Group-Davao na ang suspek na si Luiz ‘King kong’ Bondoc ay may tatlong warrant of arrest dahil sa kasong robbery, robbery with homicide, at murder.

Inihain ang mga nabanggit na warrant kay Bondoc sa kanyang bilangguan sa Paranaque Police Station . Naaresto si Bondoc kasama ang 9 pang iba na mga miyembro ng UVX Tirador gang na ang modus operandi ay ang paggamit ng mga FX taxi o van na may tatak na UV Express upang makapangalap ng mga pasahero na kanila ring bibiktimahin .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply