UV-GT-Express robbery holdup group pinakakasuhan na ng DOJ

IPINAG-UTOS na ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong paglabag sa PD 1866 o illegal possession of firearms and explosive laban sa sampung miyembro ng tinaguriang UV-GT-Express robbery holdup group.

Sa siyam na pahinang inquest resolution na isinulat ni State Prosecutor Nieven Canlapan at inaprubahan nina Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at Prosecutor General Claro Arellano, kinilala ang mga pinakakasuhan na sina Ludy Dagupioso, Red Marlon Guarinyo, Richie Cahinta, Princess Losa, Almario Rentilliosa at limang iba pa.

Samantala, Itinakda naman sa Oktubre 22, ganap na alas-dos ng hapon ang pagsasagawa ng preliminary investigation para sa kasong robbery at paglabag sa anti fencing law laban sa sampung respondent.

Una nang naaresto noong Agosto 6 ng Paranaque police ang mga respondent sa magkakahiwalay na lugar sa Santos Avenue at Fourth Estate Subdivision sa Paranaque, Batasan, Quezon City at Masinag, Antipolo City.

Apat na kababaihan ang complainant sa nasabing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply