VG Daniel Farnando, carry na pagsabayin ang showbiz at politics

PINABULAANAN ni Vice Gov. Daniel Fernando na iiwanan na niya ang Showbiz in Favor of Politics. Never raw na mangyayari ito.

Katunayan, kayang-kaya niyang pagsabayin ang Showbiz at Politics hindi mangyayaring iiwan niya ang Showbiz dahil first love niya ito.

Bilang Politician at Public Servant binansagan siyang Public Servant Above Self at A man for Others dahil napakabait niyang tao at lagi na’y ang ikaliligaya ng kanyang constituents ang kanyang priority.

Through the years, consistent ang pananalo na siya sa Bulacan dahil satisfied ang mga Bulakenyo sa kanyang selfless public Service.

***
Korona ni Vice Ganda, delikado kina Boobay Binay at Ate Gay

BIGLA ang pagsikat nitong sina Boobay Binay ng May Tamang Balita Fame at ang Concert artist na si Ate Gay. Kung patuloy ang pagiging suplada ni Vice Ganda, delikado ang karma niya kina Boobay at Ate Gay lalo na’t napaka- talented ng dalawang ito.

***

Pokwang binubuhay si Aruray

TUWANG-tuwa ang mga fans ng yumao at beteranang komedyanteng si Aruray ng Sampaguita Pictures dahil parang na- buhay ang kanilang idolo sa katauhan ni Pokwang. Kuhang-kuha kasi nito ang facial expression at pag-arte-arte ng kanilang Idolo.

Aruray na aruray talaga si Pokwang kaya lalong dumarami pa ang kanyang mga fans dahil nga nakuha niya ang mga tagahanga noon ng beteranang komedyana.

***

Panalo na si Mayor Rico Roque

TIYAK na ang panalo ni Mayor Rico Roque sa Pandi, Bulacan. Nakausap namin ang mga taga Pandi at talagang full support sila sa kanya. Napaunlad kasi ni Mayor Rico ang bayang Pandi kaya satisfied ang mga tao sa kanyang per formance, more than willing silang ibotong muli sa kanyang second term of office.

Pararangalan na Most Outstanding Mayor of Bulacan si Mayor Rico Roque buhat sa Inang Bayan award. Inihahandog raw niya ang award sa kanyang mga kababayan, gayundin sa kanyang asawang si Dra. Jane Roque, anak na si Migz Roque at parents na sina Tatay Nanding at Nanay Ine. Congrats po.

***

Jake at Bea fans, nagagalit na

GALIT na ang Jabea o Jake and Bea Fans sa mga negatibong nababasa nila sa kanilang Idolong si Bea Binene. Meron Raw silang hakbang NA gagawin. Aktibo rin ang Jake and Bea Fans Pulilan Chapter. balitang papasyal sa Pulilan para sa mga fans ang kanilang Idolo na Bea at Jake.

***

Correction please, hindi nag-aorry si Albie kay Andie

SANG-AYON sa mga Fans, wala Raw naganap na paghingi ng sorry si Albie kay Andie. Magbe-birthday na kasi ang a- nak nito at diumano ay nag-sorry ang bagets na aktor sa kampo ni Andie.

Muli, sang-ayon sa mga fans ni Albie, walang paghingi ng paumanhin na naganap buhat sa kanilang idolo.

Period!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply