Vote buying, dayaan, tututukan ni Padaca

PLANO umano ni newly-appointed Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca na sa pag-upo niya sa puwesto ay tutukan ang mga isyu ng vote buying at talamak na dayaan sa halalan.

Ang pahayag ni Padaca ay kasunod nang pormal nang panunungkulan sa Comelec ng dating Isabela Governor.

Kasabay nito, nagpahayag rin ng paniniwala si Padaca na bilang isang Certified Public Accountant (CPA) ay makakatulong siya sa paglutas sa mga financial issues ng poll body.

Nabatid na bago nagtungo sa Comelec headquarters sa Intramuros, Manila ay nanumpa muna si Padaca kay Justice Secretary Leila de Lima.

Dapat ay kay Pangulong Aquino umano manunumpa si Padaca ngunit dahil hindi pa siya makakuha ng iskedyul sa Malacanang ay pinili na lamang niyang kay de Lima manumpa.

Naging opsIyon din umano para kay Padaca si Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno ngunit dahil may nakabinbin siyang petisyon sa Korte Suprema ay hindi na niya itinuloy ang plano upang hindi ito mabigyan ng kulay.

Pagkatapos manumpa sa Department of Justice (DOJ) ay nagtungo naman agad si Padaca sa Comelec para makipagpulong kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. hinggil sa magiging trabaho niya at assignment sa komisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply