Voter’s registration apektado ng brownout sa Mindanao

NAGING malaking perhuwisyo ang idinudulot na power shortage sa ginaganap na voter’s registration sa ilang bahagi ng Mindanao lalo na sa Koronadal City, South Cotabato.

Batay sa reklamo ng mga residente, Lunes pa nang magsimula ang isa hanggang tatlong oras na rotating brownout sa naturang lugar dahilan upang abutin ng dalawang oras ang pagpapa-rehistro.

Ayon kay City Election Officer Evangeline Basan, siksikan na ang lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) dahil nalalapit na ang Oktubre 31 deadline ng registration.

Wala rinng generator ang opisina ng poll body sa lungsod kaya’t umaasa sila na papalawigin ang petsa ng pagpaparehistro.

Sinabi naman ng power cooperative na South Cotabato Electric Cooperative-1 (SOCOTECO-1) na kabilang sa sanhi ng rotating brownout ang preventive maintenance ng STEAG State Power Inc na nagsimula pa noong Sabado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply