Voters registration tuloy na ulit – Comelec

IPINAGPATULOY na ngayong araw ang voters registration para sa May 2013 elections.

Dahil dito, muling hinihimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na magparehistro upang makaboto sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, tuloy na muli ang voters’ registration sa lahat ng Comelec offices sa bansa matapos ang pagtatapos ng filing ng certificate of candidacy (CoC).

Magugunitang sinuspinde ng Comelec ang voters registration sa bansa upang bigyang-daan ang CoC filing na tumagal ng limang araw na nagsimula noong Lunes, Oktubre 1.

Magtatapos naman ang voters registration sa Oktubre 31.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply