Waiting shed inararo ng kotse, 4 utas

PATAY ang apat katao makaraang suwagin ng kanilang sinasakyan ang isang waiting shed sa national highway sa Brgy. Tabug, Batac City.

Tatlo ang idineklarang dead on arrival habang isa naman ang namatay sa pagamutan na kinilalang sina Rosevelt Ranada, Rogel Agdeppa, Arnel Macadaeg at ang driver na si Fred Oasay.

Lumalabas sa imbestigasyon na dahil sa lakas ng pagkabangga ng kotse ay bumaligtad ito at bumangga pa sa isang puno.

Nabatid na lasing ang drayber nang maganap ang aksidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply