‘Walang Hanggan’ kinabog ang lahat ng mga teleserye sa Philippine local television

GRABENG mangabog ng teleseryeng “Walang Hanggan” na pinamamahalaan nina Sir Deo Edrinal at Ma’am Julie Anne Benitez.

Honestly, walang halong exaggeration, certified phenomenal talaga ang nasabing teleserye kung saan bukod sa mga bidang sina Coco Martin at Julia Montes ay isinama pa ang matibay na love team nina Richard Gomez at Dawn Zalueta plus ang mga Queen of Philippine Movies na sina Susan Roces at Helen Gamboa, Paolo Avelino na nagmarka sa serye and many more.

Ang tindi-tindi ng Walang Hanggan fever dahil hindi lang sila No.1 sa rating kundi lahat ng mga ginawa nilang mall show sa iba’t ibang parte ng Pinas at special event sa ibang bansa ay talagang tinangkilik ng kanilang fans. ‘Yung wedding scene naman nina Daniel (Coco) at Katerina (Julia) sa San Agustin Church sa Intramuros ay nag-trending worldwide dahil sa pabolosa namang tunay ang kasal na ginastusan ng 3.2 million ng ABS-CBN. At ang pinakamatindi sa lahat ay ‘yung ginawa nilang grand concert na Walang Hanggang Pasasalamat sa Smart-Araneta Coliseum last Sunday kung saan pinanonood ang buong cast with their special guest artists ng libu-libo nilang tagahanga.

Kung susumahin ang attendance ng mga nanonood ng show ng WH na SRO nga ay tinalbugan nila ang mga foreign singers na nag-concert na sa Big Dome. Ganyan ang audience ng dalawang naghahari sa concert scenes na sina Martin Nievera at Gary Valenciano.

By the way, hit na hit sa crowd ang pang-Gangnam style dance nina Vice Ganda at Tita Helen Gamboa. Kumanta rin ng ilang lines si Manang Inday Susan Roces. May ibubuga rin pala ang maybahay ni late Fernando Poe, Jr., sa pagkanta.

May kilig factor naman ang duet number nina Dawn at Goma sa song nilang “Reunited” at siyempre, walang tigil ang hiyawan at sigawan ng fans nang bumulaga ang bagong favorite loveteam nila na sina Coco at Julia na kinanta naman ang hit song ni Regine Velasquez na “Pangako.”

At sa televiewers nito, huwag na huwag ninyong palalampasin dahil bukas, Biyernes ay magwawakas na ang phenomenon teleserye ng Phil Local TV. Congrats again to sir Deo and Ma’am Julie, ganon na rin sa production team at directors nito na sina Jerry Sineneng at Ms. Trina Dayrit. Bravo gyud!

***

Paulit-ulit na lang ang drama sa buhay!…
Mahusay na actress, nanganganib na naman ang relasyon sa bagong pinakasalang politiko

SIGURO, maliban sa pagiging mataray ay destiny na ng mahusay na actress na mahiwalay sa mga lalaking kanyang pinakakasalan. Kasi, ‘yung huling relasyon nito with businessman and ex-politician na inutangan siya ng milyones ay nag-failed din. Galit na galit si actress sa taong ‘yun kaya hanggang ngayon ay hindi niya ito binabati.

This year, ‘yung kanyang pinakasalang politiko from the province ay mukhang story repeat itself na naman ang drama sa relasyon ni actress dito. Yes! At ang mga rason ng pagtabang ni politician sa pinakasalang magandang not so young and not so old actress ay hindi siya kasundo ng kanyang pamilya. At pati raw mga constituent nito ay pinagmamalditahan din ng misis na celebrity. Sa parte naman ng multi-awarded actress, napapansin na raw nito unti-unti na hindi na pala totoong mayaman na mayaman ang kanyang mister at puro utang pa.

‘Yung pinroduce nga nitong pelikula kung saan kasosyo ang lady politician, hayun mukhang shelved na dahil kinulang diumano sa pondo. Kaya one of these days ay we can expect na sasabog ang news na separada na naman uli si actress na may mga anak ring celebrities. True kaya ini (ito)? Just asking lang gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply