Walang increase sa toll gate – TRB

TINIYAK ng  Toll Regulatory Board (TRB) na walang mangyayaring increase sa kanilang tollgates para sa lahat ng mga motoristang daraan sa mga expressway sa Undas.

Sinabi ni TRB Executive Director Edmund Reyes, sa kasalukuyan ay wala pa silang inaaprubahang toll increase sa alinmang expressway sa bansa bago mag-Undas.

Nasa proseso pa lamang anya ang pagdinig sa mga petisyon ng ilang expressway na dapat ay magpapatupad ng toll increase ngayong taon base sa kanilang kontrata sa gobyerno.

Halimbawa sa North Luzon Expressway (NLEX), may nakatakdang toll increase sa January 1, 2013 na 11%, pero dadaan pa rin ito sa pagdinig kung mapagbibigyan.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng NLEX na inaksyunan na nila ang reklamo ng ilang motorista kaugnay ng mga nambabato ng sasakyan.

Ayon kay NLEX Vice President for Traffic Operations Gerry Aberilla, nagdagdag na sila ng mga tauhan at nakipag-ugnayan sa local government unit (LGU) na sakop ng expressway para maiwasan ang naturang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply