Walang katapusang basura sa Manila Bay

SA bawat panig na iyong lilingunin ay maladagat na katubigan ang iyong masasaksihan.

Nagkalat din ang basura na nakabara sa mga estero, mga bahay ng mga iligal na settlers sa bawat bahagi ng Maynila na nagiging dahilan ng mga nagbabarang kanal. Dahil sa dumi at basurang nagkalat na kagagawan ng mga taong naturan.

Patuloy ang tao sa walang pakialam na pagtatapon ng basura kung saan–saan, hindi nila alintana kung mapuno man ang ilog, estero, kanal at kalu-paan ng basura na tumutuloy ang kabuuan sa Manila Bay na kung saan kapag nagka-roon ng paglaki ang dagat dahil sa bagyo ay bumabalik at nagkalat ang walang katapusang basura.

Bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin mabigyan ng gobyerno ang kanilang kahilingan? Dapat mapaalis ng mga namumuno sa pamahalaan ang mga iligal na nagtayo ng mga barung-barong sa mga estero at kanal sa kamaynilaan.

Sadyang napakasagwang tignan ng mga ito. Bukod sa nagdudulot ng basura ay nagiging napakapangit pa ng imahe ng Pilipinas sa mga turista na nakakakita sa mga taong nangakatira sa mga barung-barong sa gilid ng daan.

Ayon kay Manila Bay Coordinating Office (MBCO) Executive Director Noel Antonio V. Gaerlan at ang mga suliranin ukol sa mga squatters o informal settlers?

Ang pamahalaan ay nagkaroon na ng ilang programa na iniukol para sa mga squatter, o informal settlers. Mayroon tayong Balik Probinsya (Return to the Province) na programa ay bibigyan sila ng kapirasong lupa na puwede nilang tamnan ng mga halamang magagamit nilang tulong para sa kanilang kabuhayan. Iyan ay isa lamang sa mga pagpipilian. Para sa isang squatter o informal settlers, ang MBCO may maliit lamang maitutulong  o maibigay sa kanila. Mayroon din tayong in city at out of city na programa para sa kanila na ating ibinibigay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply