Walang Pinoy sa Canada quake – DFA

NILINAW ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa tumama na magnitude 7.7 na lindol  sa west coast ng Canada,  kaninang umaga, oras sa Pilipinas.

Ani DFA spokesman Raul Hernandez, kahit wala pa silang natanggap na balitang may Pinoy na nadamay sa kalamidad, patuloy pa rin ang kanilang monitoring para makasuguro.

Una nang nakatanggap ng ulat si Hernandez mula sa Philippine Embaassy sa Vancouver na walang nasaktan sa lindol sa Canada.

Gayunman, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Filipino community sa lugar at mga lokal na awtoridad para malaman sa kalaunan kung may naapektuhan ng pagyanig.

Samantala, nagkaroon naman ng maliit na tsunami sa British Columbia sa Canada at maging sa Hawaii.

Dalawang aftershocks din ang naitala na may lakas na magnitude 4.6 at at 5.8 at inaasahang masusundan pa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply