Wanted sa pagpatay, kulong sa baril at shabu

HIMAS-REHAS ang isang binata na wanted sa pagpatay matapos mahulihan ng baril at shabu sa Malabon City kahapon.

Nakilala ang suspek na si Alejandro Pering, 18 ng Phase 2, Longos ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon, nagsasagawa ng “Plan Sita” ang mga pulis sa Longos ng lungsod nang mapansin ang suspek na naglalakad habang nakasukbit ang baril sa baywang.

Nang sitahin ay tinangka pa ng suspek na bumunot ng baril subalit nahawakan agad ito ni PO3 Alejandro Hernandez na nagresulta para magpambuno ang dalawa hanggang sa napigil ang suspek.

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha dito ang shabu at kalibre .38 na baril dahilan upang dalhin ito sa presinto.

Lumalabas na suspek si Pering sa pagpatay sa kambal na Allan at Bryan Salazar noong Hulyo 29, 2012 sa Labahita Alley, Longos ng lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply