Warrant of arrest vs Carabuena, ipinalabas ng korte

INIUTOS ngayon ng isang Quezon City court judge ang pag-aresto sa isang Philip Morris executive na nananakit sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer noong Agosto.

Nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Juris Callanta of the Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 42 matapos makakita ng probable cause para idiin si Robert Blair Carabuena, recruitment officer ng Phlip Morris, sa kasong  direct assault upon an agent and person of authority.

Nahuli sa video si Carabuena na ilang ulit na sinampal si constable Saturnino Fabros nang sitahin siya nito sa isang traffic violation.

Sinabi ni Fabros na tinangka niyang hulihin si Carabuena matapos nitong dedmahin ang isang stop signal sa kanto ng Capitol Drive at Tandang Sora Avenue sa Quezon City noong nakaraang Agosto 11.

Ipinasisilbi na ni Callanta sa awtoridad ang warrant of arrest sa huling address ni Carabuena sa Capitol Homes sa Quezon City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply