GMA ipinaaaresto ng Sandigan kaugnay ng plunder case

NAGPALABAS na ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapal-Arroyo.

Ang mandamiyento de aresto ay inilabas kaugnay ng P366 milyon kasong plunder na isinampa laban sa kanya at siyam na iba pa ng Ombudsman.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y paglustay ng dating Pangulo sa P366 intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa 21-pahinang resolusyong isinumite ng Ombudsman sa Sandiganbayan, sinabing walang basehan sa batas ang apela ni Ginang Arroyo na humihiling na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya.

Kasama sa mga ipinaaaresto ng korte ay sina PCSO ex-Chairman of the Board Sergio Valencia, ex-General Manager Rosario Uriarte, ex-Board Member Manuel “Manoling” Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero, Maria Fatima Valdez at ex-Account Manager Benigno Aguas.

Sabit din ang mga dating opisyal ng Commission on Audit (COA) na sina ex-Chairman Reynaldo Villar at Intel-Fund Unit Manager Nilda Plara.

Nakalabas naman sa bansa ang isa pang akusado na si Jose Taruc V noon pang June 19, 2012.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Maria Antonette Mangrobang, walang rekord ang BI kung saang bansa nagtungo si taruc at kung kailan ito babalik.

Itinanggi naman ni Sandiganbayan sheriff Ed Urieta, may hawak ng kopya ng warrant of arrest na ise-serve na niya anomang oras ngayon ang utos ng korte.

Nagkaroon ng pagdinig kahapon hinggil sa hiling ng akusado na motion for judicial determination of probable cause sa pangunguna ni Attorney Anacleto Diaz ngunit ibinasura ito.

Nilinaw ni First Division Clerk of Court Atty. Estella Teresita Rosete na titingnan uli nila ang motion for reconsideration (MR) ng kampo ni Arroyo ngunit tuloy pa rin ang pagpapatupad ng arrest warrant.

Naniniwala rin ang abogado ng Ombudsman na si Diosdado Salonga na dapat ipatupad agad ang warrant.

Ang plunder o pandarambong ay walang piyansa.

Sa ngayon, “out on bail” si Ginang Arroyo matapos payagang makapagpiyansa sa hiwalay na kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply