Warrant of arrest vs lider ng KMU, ipinoprotesta

IPINOPROTESTA ng Kilusang Mayo Uno o KMU ang paglalabas ng Cabuyao Regional Trial Court ng mandamiyento de Aresto laban sa isang kasapi ng kanilang pambansang konseho.

Ipina-aaresto ng Korte si Hermenegildo “Ka Hermie” Marasigan sa kasong “assault on a person of authority” at “slight physical injury” na galing umano sa isang insidenteng naganap noong ika-20 ng Oktubre noong 2011 sa Cabuyao.

Ayon sa KMU, gawa-gawa lamang ang kaso at layunin lamang ng kaso na takutin ang mga manggagawa na patuloy na naka-welga sa pagawaan ng Nestle sa naturang bayan.

Isa rin si Marasigan na masigasig na nananawagan ng pagpapalayas ng militar sa mga pamayanan ng Cabuyao na dumating sa kasagsagan ng welga ng manggagawa sa Nestle.

Si Marasigan ay pangulo rin ng Organized Labor Association in Line Industry and Agriculture o OLALIA, isang pederasyon ng KMU, at vice-chairperson ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan o Pamantik, ang pangrehiyong balangay ng KMU.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply