Watawat sa PDEA offices, half-mast sa pagkamatay ng agent sa drug bust

NAKAKASA sa half-mast ang watawata ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaninang umaga (Oktubre 19) bilang respeto sa isa sa kanilang ahente na napatay sa isang buy-bust operation sa Agusan del Norte nitong nakaraang Miyerkules.

Iniutos ni bagong itinalagang PDEA chief Arturo Cacdac., Jr., ang lahat ng watawat sa PDEA offices sa buong bansa na ikasa sa half-mast bilang respeto sa namatay na ahente na kasapi sa Drug Enforcement Officers’ Basic Course Class 2006 “Unang Sinag” ng PDEA Academy.

Sinabi ni Cacdac., Jr., na ang biktimang si Intelligence Officer 2 Louie John Giberson, 31-anyos, ay binaril sa loob ng kanyang itim na Mitsubishi Lancer sedan sa Interior Road sa pagitan ng Purok 2 at Purok 3, sa Barangay Kauswagan, Cabadbaran City saisang buy-bust operation nitong Oktubre 17.

Sa ulat, sinabi ni Cacdac, na nagpanggap si Giberson na isang poseur buyer at umiskor ng 30 gramo ng shabu mula sa isang  drug pusher na isang nagngangalang Abul Mamao dakong alas-8:00 ng gabi.

Matapos ang bilihan, minaneho ni Giberson ang kanyang sasakyan kasama ang isang confidential informant, isang nagngangalang Oming, si Mamao at isang hindi nakikilalang lalaki.

Dalawang oras ang nakalipas, nakatanggap ang PDEA Regional Office 13 ng tawag mula sa Cabadbaran City Police Station at sinabihan sila na may naganap na shooting incident sa Barangay Kauswagan.

“Authorities found Giberson’s lifeless body with gunshot wounds inside his vehicle. A concerned citizen reportedly saw the incident saying that unidentified persons shot Giberson and immediately fled the scene,” pahayag ni Cacdac.

Pinaiimbestigahan na ni Cacdac ang pagpatay kay Giberson para malaman kung ano talaga ang nangyari sa naturang sting operation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply