Website ng NTC, PIA at Food Dev’t Center na-hack

UMATAKE na naman ang mga hacker at ang website ng National Telecommunications Commission (NTC), Food Development Center at Philippine Information Agency (PIA) ang mga bagong biktima.

Sa ulat sa radyo, nagpapakilalang “Private X” at “Anonymous Philippines” ang mga hacker ng mga nabanggit na government website na hindi na mabuksan ngayong umaga.

Sa Twitter account ng grupong Private X, nagbanta ang grupo na marami pang websites ang kanilang bibiktimahin sa susunod na mga araw kaugnay sa kanilang protesta hinggil sa Cybercrime Law.

Nitong nakaraang linggo lamang ay nabiktima rin ng mga hacker ang government websites tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Metropolitan Waterworks and Sewerage System at limang iba pa.

Kapag tinungo ngayon ang website ng NTC ay puting background lamang ang makikita.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply