Western Visayas hinahagupit ni ‘Ofel’

BINABAYO na ng bagyong Ofel ang Siargao na nasa hilagang bahagi Mindanao.

Isusunod nitong dadaanan ang Southern Leyte, Bohol, Negros Oriental na kasalukuyang inuulan at hinahagupit na ng hangin, bago tatawid ng Western Visayas at lalabas sa Batangas at Mindoro.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Dahil dito, nakataas na ngayon ang signal number 2 sa Bohol, Cebu, kasama na ang Camotes Island, Leyte Provinces, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan Del Norte, hilagang bahagi ng Agusan Del Sur at Camiguin Island.

Nasailaimnaman ng signal number 1 ang Masbate at Romblon na nasa Luzon, habang sa Visayas ay apektado rin ang Northern Samar, Eastern Samar, Western Samar, Biliran, Capiz, Antique, Aklan, kasama ang Boracay Island, Iloilo, Guimaras Island, Negros Oriental, Negros Occidental at Siquijor Island.

Sa Mindanao naman ay kasama sa babala ang Misamis Oriental, nalalabing bahagi ng Agusan Del Sur at hilagang bahagi ng Bukidnon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply