‘Wheelchair joke’ ni PNoy pinalagan ng Arroyo camp

PINALAGAN ng abogado ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang “wheelchair joke” ni Pangulong Benigno Aquino III nang humarap ito sa Filipino community sa New Zealand.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, malinaw ang biro ng Pangulo ay patutsada kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Anang abogado, wala sa lugar ang pagbibiro ni Pangulong Aquino at hindi ito gawin aniya ng isang Pangulo o ng isang government official.

Igiit ni Topacio na posibleng mahirapan ang Pangulo na ipaliwanag ang joke sa publiko lalo na sa mga may kapansanan o persons with disabilities.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, nabahiran din ng kontrobersya ang mga doktor sa Pilipinas kabilang ang mga eksperto na sumusuri sa medical condition ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kabila nito, wala namang balak magsampa ng anumang reklamo laban sa Pangulo ang kampo ni Ginang Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply