Winalis na vendors nasa likod ng pagpatay sa TF Commonwealth chief

SINISILIP na ngayon ng pulisya ang anggulong kaya pinatay ang multi sectoral Task Force Commonwealth chief na si Manuel Buncio ay bilang ganti sa kanyang ikinasang pagbuwal sa tindahan ng mga illegal vendors sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), pinasisiyasat na ang tunay na pagkatao ng isa sa apat na suspect na napatay sa engkuwentro nitong Martes ng hapon  para malaman kung ito ay kasama sa mga tinderong pinaalis ni Buncio ilang linggo na ang nakararaan.

Kung ito ay mapapatunayan, malamang na ang pagpatay kay Buncio ay may kaugnayan sa kanyang trabaho na ang adhikaing linisin ang Commonwealth Avenue sa mga illegal stalls na nagsusulputan sa kabahaan ng Commonwealth Avenue.

“Marami kasi ang nawalan ng trabaho kaya malamang na bilang ganti ay plinano ang pagpatay kay Buncio, pahayag ng ayaw magpakilalang legal na tindero.

Si Buncio ay pinagbabaril sa ulo at dibdib ng apat na armadong kalalakihan na lulan sa dalawang motorsiklo habang  pasakay sa kanyang kotse sa tapat ng Commonwealth Elementary School nitong Martes ng alas 4 ng hapon. Hindi na ito umabot ng buhay sa Fairview General Hospital.

Nagkataon naman na may mga pulis sa lugar at hinabol ang mga suspect. Isa sa kanila ang nalaglag sa motorsiklo nang tamaan ng putok ng baril habang ang tatlo naman ay nakatakas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply