World Hunger Day, ginugunita ngayon imbes na World Food Day

MAS marapat na tawaging World Hunger Day ang World Food Day, kung titingnan ang kalagayan ng mga maralitang sektor sa Pilipinas.

Ayon sa grupong Anakpawis, habang nagdiriwang ang maraming parte ng mundo ng World Food Day ngayong araw, kagutuman ang reyalidad ng milyong-milyong Pilipinong kabilang sa mga batayang sektor.

Patunay ang pagdami ng Pilipinong nagugutom, ayon na rin sa pag-aaral ng International Food Policy Research Institute na nagsasabing pumapangalawa lamang ang Pilipinas sa bansang Cambodia sa dami ng nagugutom sa Timog-Silangang Asya.

Kinokondena rin ng Anakpawis ang pagtaya ng National Statistical Coordination Board ng halagang isang daan at pitumpu’t dalawang piso kada araw bilang halaga ng pagkain ng isang pamilyang may limang kasapi.

Nakaka-insulto, ayon sa Anakpawis, na ito lamang ang kinikilalang halaga ng dapat na makain ng isang pamilya upang hindi maibilang sa hanay ng mga nagugutom.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply