World Sight Day

KASABAY nang pagdiriwang ng World Sight Day ngayon, ay iginiit ng World Health Organization (WHO) na apat sa limang katao na bulag ang maaaring muling makakita kung mabibigyan lamang ng tamang lunas ang karamdaman ng mga ito.

Hinimok din ng WHO ang publiko na bigyan ng higit na atensyon ang prevention at treatment sa pagkabulag.

Nabatid na nakikipagtulungan na rin ngayon ang WHO sa mga member state nito para tuluyang mabawasan ang mga hindi maiiwasang pagkabulag gamit ang mga cost-effective strategy.

Iniulat pa ng WHO na sa buong mundo ay mayroong 39 milyong kataong bulag at 246 milyon naman ang may problema sa paningin.

Sa mga ito umano ay 10 milyong bulag at 79 milyong malabo ang mata ang naninirahan sa Western Pacific Region, kasama na ang Pilipinas.

Iniulat rin ng WHO na ang pangunahing dahilan nang pagkabulag sa mundo ay katarata, na pag-uulap ng lente ng mata at isang natural na proseso lang na nakukuha sa pagtanda.

Sinabi naman ng WHO na sa mga developed country ay halos walang nabubulag mula sa katarata dahil maaari naman itong malunasan sa pamamagitan ng simpleng operasyon tulad nang pag-aalis ng lenteng may diperensiya at pagpapalit dito ng plastic.

Napaka-epektibo umano ng naturang operasyon ngunit walang mga tao mula sa mga low at middle income countries na may access sa naturang surgery.

Ilan pa umano sa mga dahilan ng pagkabulag ay ang glaucoma at diabetic retinopathy na kinakailangang ma-diagnose agad upang maiwasan ang irreversible vision loss.

Iginiit ng WHO na ang sinumang pasyente na may access sa health system sa kanilang komunidad ay dapat na may sapat na impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkabulag upang hindi magdusa dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply