Ynares naghain ng CoC sa Antipolo

RIZAL – Mistulang “all star cast” ang team ni Rizal Governor Casimiro Ynares III nang maghain ang mga ito ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa local office ng Commission on Elections (Comelec) kaninang umaga sa lungsod ng Antipolo.

Ang gobernador ay naghain ng kanyang kandidatura bilang alkalde ng lungsod kasama ang kanyang running mate na si incumbent vice mayor Susan Garcia Say kontra kina incumbent mayor Nilo Leyble at running mate na si Ronaldo Leyva.

Kasamang naghain ng kanilang kandidatura bilang congressman sa 1st at 2nd district ng Antipololo City sina incumbent congressman Robbie Puno at Romeo Acop.

Sa hanay naman ng konsehal ay sina incumbent councilor Marvin garcia, Adiong Reyes, ex-board member Ronald Barcena, Brgy. Bagong Nayon Captain Mae Biagtan, Arnel Camacho, Boy Beltran, Robert Altamirano at Lemuel Zapanta sa 1st District habang sina incumbent councilor Eddie Lagasca, Christian Alarcon kasama sina Brgy. Dalig Captain at ABC Chairman Lonie Leyva, Lorraine Gatlabayan, Edwin Avilla, Paui Tapales at Philip Acop.

Ayon sa ilang political expert, underdog ang grupo ni Mayor Leyva dahil sa pagsasama-sama ng malalaking politiko sa katauhan ng Ynares, Puno, Garcia, Gatlabayan at Acop.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply