Young actor na galit sa bading nagdurusa ang career

HONESTLY, kung naging gay friendly lang sana ang sumikat na young actor na nag-umpisa bilang childstar, baka ngayon ay sikat na sikat na siya. Kaso mo napaka-maldito ni actor sa mga bakla. Feeling niya kapag pinagmamasdan mo siya ay gusto mo na siyang churvahin.

Minsan nga raw inimbitahan ng nag-birthday ang Top executive ng isang giant TV network si young actor. Umoo naman siya pero ang ending, di siya dumating sa party ng nasabing boss niya dahil gumana na naman sa utak nito ang kanyang pagka-homopobic.

So, what happened to his career? Hayun, after niyang lumipat sa Kapuso network at kinuha ng bigtime movie producer, tuluy-tuloy ng natigok ang kanyang career. Kasi ganon pa rin ang drama niya – ang pandirihan ang mga bayota sa GMA 7 at artists agency na humahawak sa kanya.

Sabi pa nga ng mahaderang gay na aming naka-chikahan na imbiyerna rito, pinagyayabang raw ni actor na para sa babae lang ng nota niya at magpapakamatay na lang siya kaysa pumatol sa bakla.

“Oo nga’t big siya pero, day! mukha naman siyang dugyot at pandakekok pa. Kahit five oo di ko siya babayaran dahil di ko naman siya type, no?” pagdidiin pa ng biyuting bayot na may connect rin sa showbiz. Clue, naku! kilalang kilala siya ng mga Aquino.

Korek! Siyang-siya na gyud!

***

This Guy’s In Love With U, Mare nina Vice, Toni at Luis pinipilahan

LAST Wednesday, sa first day of showing ng newest comedy film ng Star Cinema na This Guy’s In Love With U Mare ay pinilahan to the max ito sa over 100 theaters nationwide. Pagsamahin ba naman ang mga bankable stars na sina Vice Ganda, Toni Gonzaga at Luis Manzano, ano pa ba ang mai-expect mo kundi kabonggahan sa takilya?

Tama nga si direk Wenn Deramas sa pahayag niya sa presscon ng kanyang ipinagmamalaking project na kinayter niya para sa lahat ang movie nilang ito. Kaya buong pamilya ay sumugod talaga sa iba’t-ibang sinehan para panoorin ito.

Saka sina Vice, Toni at Luis, favorite sila ng lahat at pati mga bata ay audience rin nila. ‘Yung amin ngang mga kapit-bahay na parehong mga tagahanga ng tatlo, alas nuwebe pa lang ng umaga pagkatapos magalmusal ay dumiretso na sa SM North Edsa Cinema. Mas maganda na raw ang maaga sila para mauna sila sa pila at madaling makapasok.

Ganyan kasabik ang fans sa This Guy’s In Love With U Mare att ayon nga, super kuwento ang aming ka-chikang neighborhood na nag watch ng movie na hindi lang sila natawa at sobrang naaliw kundi naiyak rin sa ilang drama scenes rito.

At kinilig rin sila sa love triangle nina Vice, Toni at Luis sa pelikula lalo na sa bed scene nina Vice at Luis.

Napa Wow rin sila sa kaseksihan ni Toni na nag-wear rito ng bathing suit. Wala ka na raw hahanapin pa sa This Guy’s In Love With U Mare dahil lahat ng gusto ng moviegoers na mapanood ay naririto ng lahat.

Kung pagbabasehan natin ang mga magagandang feedbacks at papuri sa nasabing obra ni Direk Wenn, aba’y pwede ngang ma-hit nila ang target na 500 million na kikitain nito sa takilya. So, magtan-aw (manood) na kitang tanan gyud!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply