1 patay sa salpukan ng bus at motorsiklo

DEAD on arrival sa Ilocos Training Regional & Medical Center (ITRMC) sa San Fernando, La Union ang isang lalaki makaraang magsalpukan ang motorsiklo at ng Dominion bus sa national highway ng naturang lalawigan kaninang madaling araw.

Nakilala ang nasawi na sakay ng motorsiklo na si Richard Gapula, 26, binata, ng Brgy. Sevilla, sa syudad habang ang bus driver ay nakilalang si Elmer Antonio, 38, na taga Quezon City.

Base sa imbestigasyon, binabagtas ng Dominion bus ang direksyon ng timog habang pahilaga naman ang motorsiklo nang maganap ang insidente.

Nag-overtake umano ang motorsiklo sa dalawang sasakyan, samantalang nagbigay daan naman ang Dominion Bus ngunit dahil sa tulin ng motorsiklo,  bumangga ito sa harap ng bus  dahilan naman ng pagkasira ng dalawang behikulo.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply