1 Pinoy patay, 4 sugatan, 1 nawawala sa pagsabog ng oil rig sa Gulf of Mexico

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pilipino ang namatay sa pagsiklab ng apoy sa isang oil rig sa Louisiana sa Estados Unidos.

Ayon sa DFA, ito ay kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia Jr. matapos ang insidente ng pagliyab ng naturang platform sa bahagi ng Gulf of Mexico sa nasabing lugar.

Dahil dito, sinabi ni Cuisia na ang namatay ang isa sa dalawang Pinoy na napaulat na nawawala habang apat pa ang sugatan at kasalukuyang nasa pagamutan.

Nangyari ang pagsabog noong Sabado na may 25 milya mula sa Grand Isle ng Gulf of Mexico.

Ginawa ng kumpanyang Grand Isle Shipyard ang pagkilala sa labi ng kanilang empleyado ngunit minabuti munang huwag isapubliko ang pagkakakilanlan nito upang maihatid muna sa pamilya ang impormasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply