10-anyos na nene nireyp ni lolo

behind-bars-3

NATAPOS na rin ang kalbaryong pinapasan ng isang 10-anyos na batang babae sa kamay ng sariling lolo matapos ireklamo ito ng panggagahasa sa awtoridad sa Ilocos Norte.

Nahaharap ang suspek na itinago sa pangalang Lolo Diego, 57-anyos sa kasong rape at ngayon ay nakakulong na sa Dingras PNP.

Ipinasusuri na sa pagamutan ang batang biktima para maging matibay ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Sa ulat, minsan nang nasaksihan ng pinsan ng biktima ang panggagahasa ng suspek sa sariling apo pero sa takot dito ay itinitikom na lamang ang kanyang bibig.

Pero nang huling galawin ulit ng suspek ang biktima, hindi na ito nakatiis at isinumbong sa kanyang mga tiyahin ang pambababoy ng suspek.

Lumalabas rin na matagal nang hiwalay ang tatay at nanay ng biktima at nakikituloy lamang silang mag-ama sa bahay ng kanyang lolo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply