10 pang partylist diniskuwalipika ng Comelec

comelec

MULI na namang nadagdagan ang bilang ng mga partylist group na hindi pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na makalahok sa midterm elections sa May 13, 2013.

Nabatid na may 10 grupo ang diniskuwalipika sa halalan ng Comelec matapos ang kanilang en banc session kanina.

Kabilang sa mga naturang grupo ay ang mga grupong Abot Tanaw at Abroad na may existing registration bilang isang partylist group at nakalahok na sa nakalipas na eleksiyon.

Hindi naman inaprubahan ng Comelec ang application for accreditation ng mga grupong Guardian, Hukbong Querubin, Ilaw,  Samahang Ilokanong Magsasaka, Angat Ahon Magsasaka, Good, Una Edukasyon, at Courage.

Kaugnay nito, hindi pa naman madesisyunan ng Comelec kung aalisin na ang akreditasyon ng partylist groups na Akbayan, Gabriela at Anakpawis.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., patuloy pa rin ang deliberasyon nila sa disqualification cases ng mga ito.

Bukod rito, masyado rin aniyang malapit ang resulta ng kanilang mga botohan at kailangan pang ulit-ulitin.

Samantala, inaprubahan ng poll body ang aplikasyon para sa akreditasyon ng “Ang Nars.”

Naniniwala ang poll body na napapanahon na upang magkaroon ng kinatawan ang mga nurse sa Kongreso.

Sinabi ni Brillantes na ang mga nurse ay naturingang propesyunal pero under represented sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply