10 suspek sa pagkidnap kay Rolito Go, kinasuhan na sa DOJ

DOJ

SINAMPAHAN na ng reklamong kidnapping at serious illegal detention at robbery with violence against or intimidation of persons sa Department of Justice (DOJ) ang 10 katao na suspek sa pagdukot sa convicted murderer na si Rolito Go.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kabilang sa mga kinasuhan ng DoJ na mga itinuturong kidnappers sina Emilio Ortiz, na umano’y mastermind; Lawrence Yurong; isang alyas Bong; Fernando Fransisco; Armando Mondero; Jerry Duenas; isang alyas Reggie; isang Kumander Rico; isang minimum security prison trustee ng New Bilibid Prison at ang cook ni Go sa NBP.

Mula sa 10 suspek ay walo pa ang pinaghahanap ngayon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).

Habang ang dalawa naman ay naaresto at nasa kustodiya ng ahensya na kinabibilangan nina Mondero at Duenas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply