100-anyos may P .1-M, 50% discount sa VAT

NAKAHAIN ngayon sa Senado ang isang panukalang batas na magbibigay ng P100,000 cash gift at 50% diskuwento sa pagbabayad ng value added tax (VAT) sa lahat ng taong may edad na 100 pataas.

Alinsunod sa Senate Bill NO. 3328 na inihain ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sakaling maisabatas, tatawagin itong Centenarian Act of 2012 na bukod sa cash gift at diskuwento, makatatanggap din ang recipient nito ng felicitation letter mula sa Pangulo ng Pilipinas.

Sinabi ni Pangilinan sa Section 2 ng panukala, lahat ng centenarian ay makatatanggap ng 50% diskuwento o exemption sa pagbabayad ng VAT kung ano ang aplikable sa pagbili ng produkto at serbisyo sa lahat ng establisiymiento na eksklusibong magagamit at makakamit ng senior citizens.

Lilikhain din ng panukala ang National Respect of Centenarian Day na gaganapin tuwing ika-25 ng Setyembre kaalinsabay sa taunang Family Week Celebration mula Sepyembre 19 hanggang 28 na kung saan paparangalan ang lahat ng Filipinong umabot ng ika-100 kaarawan sa kasalukuyang taon na pamumunuan ng local government units sa kani-kanilang lugar.

Paparangalan din ng panukala ang lahat ng taong may edad na 100 o higit pa bago maisabatas ang panukala na ituturing na pambansang selebrasyon.

“For a country with 100 million people, only a tiny fraction of the Philippine population lives to 100 years old. Based on a 2010 census released by the National Statistics Office, the estimated number of Filipinos who have lived over 100 is 8,000 or .008 percent,” ayon kay Pangilinan.

Ayon sa senador, masyado nang kakaiba na mabuhay ng isang daang taon. “Isang malaking hamon sa lahat ng mabuhay ng isang daang taon sa harap ng modernong pamumuhay at pamamaraan ng nakararaming Filipino na nagdudulot ng sakit at karamdaman sanhi ng modernong pamumuhay na siyang sanhi ng kamatayan.

“It is the intention of the bill therefore to provide incentives to the Filipino centenarians and to honor individuals who have lived to a hundred and over, considering that this event is in fact a reason for great celebration. Government should lead the country in paying respect to Filipino centenarians and according them the necessary assistance they need,” ayon kay Pangilinan.

“With the dwindling centenarian population in the country, the living to a hundred years is a milestone worth celebrating. Hence, the passage of this measure is earnestly sought,” patapos ng senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply