100 bahay naabo sa Muntinlupa City

fire

MAHIGIT 500 pamilya ang nawalan ng tirahan nang matupok ng lumalagablab na apoy ang may 100 bahay sa halos apat na oras na sunog na naganap kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Batay sa ulat na tinanggap ni Muntinlupa fire marshal Supt. Roderick Aguto, nagsimula ang sunog dakong alas-6:20 ng gabi sa Purok 7, Poblacion, Marquez Compound na umabot sa ikalimang alarma bago tuluyang naapula alas-10 ng gabi.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog na hindi pa batid ang pinagmulan gayundin ang halaga ng mga naabo.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga naapektuhan ng malaking sunog ay pawang mga informal settlers sa naturang lugar na sa kasalukuyan ay pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng naturang compound.

Ayon naman kay Omar Acosta, hepe ng Public Information Office ng Muntinlupa city, iniutos na ni Mayor Aldrin San Pedro sa local na social welfare department na asikasuhin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya, partikular ang pagkain at relief goods.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply