100 drum ng langis, nasamsam ng Phil. Navy

NASAMSAM ng Philippine Navy ang mahigit sa 100 drum ng hinihinalang puslit na langis lulan ng pampasaherong bangka sa Zamboanga City.

Sa nakarating na ulat kay Lt. Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, ika-19 ng Nobyembre nang maharang ng mga tropa ng Philippine Navy sa Zamboanga City ang wooden hull na passenger cargo motor launch na Princess Rohana II na pag-aari at inooperate ni Benson Sadjiril at may business address sa Mapun, Tawi-Tawi.

Nabatid sa isinagawang pag-iinspeksyon ng Vessel Safety Enforcement Inspection Team ng Coast Guard Station-Zamboanga, na aabot sa humigit kumulang 110 dram ng diesel fuel na walang kaukulang mga dokumento ang karga ng Princess Rohana II.

Hinihinalang galing ang mga nasabing kargamento sa Sabah, Malaysia at posibleng dalhin sa mga contact na negosyante sa Zamboanga City.

Dinala na ng Philippine Coast Guard sa Bureau of Customs ang mga nasamsam na hinihinalang puslit na langis sa Bureau of Customs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply