11 Pinoy mula Syria balik-Pinas bukas

syria

BALIK-PINAS ang 11 pang Filipino mula Syria bukas (Nobyembre 14) makaraang makaligtas sa kaguluhuan sa pagitan ng pamahalaang Syrian at rebel forces sa Daraa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bukas ng alas-4:00 ng hapon ang Emirates flight EK-332 lulan ang walo at tatlong menor-de-edad na mga anak nito.

Aabot na sa 2,941 ang bilang inilikas mula Syria kasunod ng pagpapatupad ng repatriation ng pamahalaan dahil sa lumalalang tensyon doon.

Ang pamasahe ng inilikas na Pinoy mula sa Syria ay sinagot na rin ng International Organization for Migration (IOM) para makauwi ang mga Pinoy.

Kasabay nito nanawagan na naman ang DFA sa mga may kaanak pa sa Syria na makipag-ugnayan sa Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) hotline (02) 834-4996 o sa DFA Action Center (02) 834-3333.

Sinabi pa ng DFA sa mga Pinoy na nasa Syria, na maaaring tumawag sa Embassy sa numerong 963-11-6132626 para sa assistance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply