11 sasakyan nagkarambola sa Taguig, 1 patay, 8 sugatan

PATAY ang isang motorcycle rider nang mabasag ang bungo at magkadurog durog ang kanyang katawan matapos mapailalim at magulungan ng rumaragasang 16-wheeler truck na umararo sa 10 pang sasakyan na ikinasugat pa ng walo katao kabilang ang mga menor de edad kaninang hapon sa Makati City.

Dead on the spot ang biktimang nakilala sa pangalang James Bon Quaterno, 34, residente ng Barangay Cali, Novaliches habang sugatan naman ang walo katao kabilang ang limang menor-de edad na pasahero ng isa sa mga sasakyang sinuyod ng truck.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang malagim na insidente sa north bound lane ng C-5 Road, Barangay East Rembo,  nang mawalan ng preno ang 16-wheeler truck na minamaneho ni Normalito Romboaua at unang inararo ang apat na motorsiklo, kabilang ang minamaneho ng nasawing si Quaterno.

Sa bilis ng takbo ng naturang truck, sinuyod pa nito ang isang kotse, isang Isuzu van at apat na Asian Utility Vehicle (AUV) na naging dahilan upang magkabuhol-buhol na ang daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Kaagad namang isinugod ng mga nagrespondeng Makati Rescue Team ang mga sugatan, kabilang ang limang menor-de edad na pasahero ng isang Adventure sa Ospital ng Makati upang malapatan ng pang-unang lunas.

Lumabas sa imbestigasyon ni SPO1 Marilou Intia ng Makati Traffic Management Unit na tumatahak ang naturang truck patungo sa gawi ng Pasig City nang mawalan umano ng preno pasado alas-4 ng hapon kaya’t iginilid ng driver ang sasakyan sa pader upang mapabagal ang takbo kaya’t una nitong inararo ang apat na motorsiklo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply