114 OFWs mula Syria, Jordan, balik Pinas ngayong araw

NAKATAKDANG dumating mamayang hapon ang may 114 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa nagkakagulong bansang Syria at Jordan.

Darating ng bansa dakong alas-4:30 ng hapon ang 49 na OFW mula Syria, sakay ng Emirates flight EK 332 habang sakay naman ng Gulf Airlines flight GF 156 ang 65 na mula sa Jordan.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon, bibigyan ng airport assistance ang mga OFW upang mas mapabilis ang kanilang paglabas sa paliparan.

Sa Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot na sa kabuuang 2,930  ang bilang ng mga Pinoy workers sa Syria ang nailikas ng pamahalaan.

Sinabi ni DFA Spokesperson Raul Hernandez na hangga’t nasa peligro ang kalagayan ng mga Pinoy sa nasabing bansa, tuloy-tuloy umano ang panawagan ng pamahalaan sa mga ito na umuwi na.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply