120 kilo ng botcha nasabat sa GenSan

NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit sa 120 kilo ng hinihinalang botchang karne ng baboy at baka na nakatakdang ideliver sa pamilihan sa General Santos City.

Ang pagkakasabat ay bunga ng pinagsanib na puwersa ng General Santos City Veterinary Office at ng pulisya.

Ayon kay Dr. Rex Calub ng City Veterinary Office aabot sa 80 kilo ng karneng baboy at mahigit 40 kilo ng karneng baka ang kanilang nakumpiska sa mga palengke ng Barangay Calumpang at Labangal.

Sinabi ni Calub, mapanganib sa kalusugan ang mga naturang karne lalo pa’t hindi umano ito dumaan sa slaughter house.

Kaugnay nito, hindi nadakip ng awtoridad ang nagdala ng iladong karne nang makatakas habang nagsasagawa ng inspeksiyon ang mga awtoridad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply