120 partylist makasasali sa 2013 polls

comelec-chair-brillantes

LILIMITAHAN ng Commission on Elections (Comelec) sa 100 hanggang 120 ang bilang ng mga partylist group na puwedeng makakalahok sa 2013 elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes na target nilang matapos ang deliberasyon ngayong buwan o hanggang sa unang linggo ng Disyembre.

Ipinaliwanag ni Brillantes na mahigit sa 300 ang kanilang ine-evaluate at 172 sa mga ito ang mga bagong grupo na humingi ng accreditation.

Samantala, binigyan ngayon ng deadline ng Comelec ang mga komisyuner na madaliin na ang paglagda sa mga resolusyon at paglalabas ng mga
dissenting opinion kaugnay sa partylist group na maaaring makalahok sa 2013 midterm election.

Kaugnay nito, tiniyak ni Brillantes na bago matapos ang Nobyembre ay ilalabas na nila ang hatol sa lahat ng partylist group na nais makalahok sa halalan.

Paliwanag ni Brillantes na ito ang karaniwang dahilan kung bakit natatagalan sila bago maglabas ng pangalan ng mga grupong naaprubahan at nadiskwalipika.

Napag-alaman na kabilang sa mga kontrobersyal na grupo ngayon na tinututukan ng ahensya ay ang: Ang Matay Alagaan, Alona nina Quezon
Rep. Danilo Suarez, Abante Retirees na ang isa sa nominee ay tatay ni DoTC Sec. Jun Abaya na si Plaridel Abaya, Alay Buhay ng pamilya Gatchalian , Melchora ni Grace Ibuna at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply