1,290 kabataan sa MM, huli sa curfew

espina

CAMP BAGONG DIWA, Taguig City – Abot sa 1,290 kabataan ang dinampot sa iba’t ibang distrito ng Metro Manila sa ginawang pagpapairal ng curfew ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Director Leonardo A. Espina.

Dinampot ang mga kabataan alinsunod na rin sa ipinatutupad na City Ordinance No. 455-99 “Curfew to Minors” na nagsimulang inilatag noong Setyembre 1, 2012 sa mga distritong nasasakupan ng Northern Police District (NPD), Eastern Police District (EPD), Manila Police District (MPD), Southern Police District (SPD), at QuEZON City Police District (QCPD).

Sa ikinasang bagong patakaran na may layuning ilayo at supilin ang mga kabataan na huwag magpakalat-kalat ang mga ito sa lansangan sa itinakdang curfew time, umabot sa bilang na 1,290 ang mga hinuli sa NCR na menor-de-edad na lumabag sa nasabing ordinansa.

Iniulat din ng pamunuan ng NCRPO na kasabay sa pagpapairal ng curfew ay ang pagbabawal din ng pag-inom ng mga nakalalasing na likido at paghuhubad ng pang-itaas na saplot sa katawan sa mga pampublikong lugar alinsunod na rin sa patakaran na nakapaloob sa City Ordinance No. 5555 kung saan ang mga kapulisan ay nakahuli ng 1,106 dami ng mga lumabag sa naturang batas sa Metro Manila.

Hinikayat ni Espina ang mga mamamayan na suportahan ang pagpapatupad ng batas na pinagtibay ng Local Government Units sa NCR.

“Nanawagan po ako sa ating mga kakababayan na suportahan ang mga napapanahong hakbangin na ipinatutupad ng ating mga Local Government Units ng sa gayon ay sama-sama nating maitaguyod ng maayos ang kapayapayan at katahimikan ng bayan,” ani Espina.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply