13 pang partylist, aprubado ng Comelec

comelec

MAY 13 pang partylist ang inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang accreditation para makatakbo sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes s akanilang en banc session ay naging unanimous ang naging pasya ng lupon upang mapasali ang grupo ng PISTON, AASENSO at AAGAPAY sa Matatanda sa mga accredited partylist.

Hindi naman binanggit ng poll chief ang 10 pang partylist na inaprubahan ang kanilang accreditation.

Nilinaw nitong hindi naging unanimous ang botohan sa mga ito.

Paliwanag ni Brillantes ,ang nasabing mga grupo na marginalized sector ang kanilang kinakatawan.

Samantala, sa susunod na linggo, aniya, ay posibleng mailabas ang resulta ng isasagawang deliberasyon ukol sa akreditasyon ng Akbayan at iba pang partylist.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply