13 pulis sa entrance exams scandal, sinibak

pnp-exam

SINIBAK sa posisyon ang may 13 pulis sa Western Mindanao matapos pagsuspetsahan na nandaya sa Philippine National Police (PNP) entrance test noong Abril 2011.

Sa imbestigasyon ng National Police Commission (Napolcom) natuklasan na bagamat nakapasa ang 13 pulis na kumuha ng entrance test sa iba’t ibang examination centers, pare-oareho ang kanilang kamalian.

Dahil dito, ang resulta ng eksaminasyon ng 13 pulis ay babalewalain.

Sinabi ng Napolcom na malalaman kung ang leakage ay nagmula sa kanilang tanggapan, at idinagdag pa na ang mga eksaminasyon nitong  Abril and Oktubre ngayong taon ay kikilatisin din kung ito ay may daya rin na naganap.

Ang mga sinibak na pulis na nagmula sa Region IX na sinasabing nandaya ay pawang PO1 ang ranggo at ito ay sina Djona Ansing Generosa, Felix Josephius Pascual, Arian Lloyd Cayacap Luchana, April Rose Alvendar Denopol, Grege Montallana Lagare, Ralph Shemuel Daya Supnet, Daniel Audy II Dayap Tapis, Al-Najib Hadjula Ujaji, Fermuzaina Umda, Joel Espina Aliser, Jilhani Mohaimen Dalongenes, Nohasim Yusop Sakilin, at Raymond Gravino Sumonglay.

Sa analysis ng eksaminasyon, may 387 examinees ang maaring nandaya sa eksaminasyon.

“Karamihan niyan ay sa ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao), sa Regions IX and X,” pahayag ni Napolcom vice chairman Eduardo Escueta.

Samantala, sinabi ng PNP, na magkakasa sila ng sariling imbestigasyon hinggil sa nasabing dayaan sa eksaminasyon.

“Automatic ongoing naman iyon, ano. Kung babalikan nga natin, the (Napolcom) furnished us a copy or release ng mga PO1s na pinaniniwalaan nilang nangopya o nandaya,” pahayag naman ni PNP spokesperson Generoso Cerbo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply