136 menor de edad nasakote sa loob ng palengke

HINULI ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, barangay tanod, joint task force General Santos at kawani ng city Social worker sa loob ng pambulikong pamilihan ang tinatayan 136 na kabataan para pangaralan at di maligaw ng landas.

Ang mga menor de edad ay nasakote habang bitbit pa ang kahon na laman ng pinabiling sigarilyo at kendi.

Ang mga bata na dinala sa CSWDO at isinailalim sa briefing at pinakain habang nakikinig naman ang kanilang mga magulang.

Ang saturation drive ay plano ng gobyerno para tuluyang mapalayo ang mga kabataan sa sugal at sa ipinagbabawal na droga sa loob ng palengke.

Malapit na ring ipatupad ang identification (ID) system sa loob ng public market para sa mga kabataan na nagtatrabaho.

Kaagad namang ibinalik ang mga bata sa kanilang mga magulang upang mapangalagaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply