14-anyos dalagita ginahasa sa palayan sa Negros

PATAY na nang matagpuan ang 14-anyos na dalagita makaraang gahasain ng kanyang sariling pinsa sa isang palayan sa Barangay 10, Victorias City, Negros Occidental.

Ang biktima na natagpuang may sugat sa ulo at nakahubad na ay kinilalang si Mary Joy Gausa.

Napag-alaman sa ina ng biktima na si Merlinda na nagpaalam na aalis ng bahay ang kanyang anak kasama ang pinsang si Joshua Espartero para pumunta sa tiyuhin pero hindi na bumalik.

Hinala naman ng pulisya na mismong ang pinsan nito ang gumahasa sa biktima nang dakong alas-10:00 kagabi ay nagpaalam ito sa kanyang na na lalayo muna dahil nakapatay ng kaanak.

Wanted na ngayon sa pulisya si Espartero.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply