15 parak nanghuli ng drug pusher sa Muslim community sa Cavite, pina-ulanan ng bala

PINAULANAN ng putok ng baril ang may 15 miyembro ng anti narcotics group matapos magkasa ng buy bust operation at makahuli ng isang kilabot na drug pusher sa Dasmariñas, Cavite kaninang tanghali (Nobyembre 4).

Sa kabutihang palad, walang tinamaang pulis o sibilyan sa ikinasang maikling pamamaril ng mga

armadong kalalakihan na residente ng Muslin community sa Dasmarinas, Cavite.

Sa kalituhan naman at pangamba rin sa buhay, naiwan ng mga pulis ang kanilang dalawang sasakyan na

ginamit  sa pagpunta nila sa lugar at nagkanya-kanya sa pagtakas.

Tukoy na ng Cavite Police Provincial Office, kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa kanilang mga tauhan pero pansamantalang hindi muna ibinunyag kung kaninong grupo kasapi ang mga armadong kalalakihan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 12 kaninang tanghali sa Barangay Datu Ismael na isang kilalang Muslim community sa Dasmarinas, Cavite.

Bago ito,  nagkasa ng isang buy-bust-operation ang

mga tauhan ng Cavite Police Provincial Intelligence and Anti Narcotics  Ggroup sa nasabing Muslim community dahil sa natanggap na ulat na hayagang ibinebenta rito ang iba’ti bang klase ng droga.

Matapos salakayin at makuwelyuhan ang isang drug pusher na hindi nakuha ang pangalan at nahulihan ng shabu ay binitbit na ng mga pulis ang naturang drug pusher papunta sa kanilang sasakyan.

Pero hindi pa man sila nakasasakay ay pinaulanan na sila ng putok ng mga baril na pinaniniwalaan na mula sa mga kasamahan ng nahuling drug pusher.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply