15 Pinoy nais makalabas ng Gaza

TINATAYANG 15 Pinoy na ang nagnanais na makalabas sa Gaza Strip ngunit ayaw namang bumalik sa Pilipinas. Ito ang kinumpirma ng Philippine Embassy sa Cairo, Egypt.

Ayon kay Philippine Ambassador to Jordan and Palestine Olivia Palala, nahihirapan ang mga embahada sa Egypt, Israel at Jordan na ilikas ang mga Pinoy na nasa mga nabanggit na lugar dahil ayaw naman ng mga ito na umuwi sa Pinas.

Dagdag pa ni Palala, nais lamang ng mga Pinoy na magkaroon ng pansamantalang matutuluyan na nasa loob din umano ng teritoryo ng mga bansa kung saan sila nagtatrabaho bunsod ng pagkatakot na mawalan ng pagkakakitaan.

“Ang report naman ng Philippine embassy natin sa Cairo, may 15 na nag-signify na gustong lumabas ng Gaza Strip pero not necesarrily to be repatriated.”

“Natatakot lang sila sa gun fire at violence pero ayaw nilang umalis.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply