15 Pinoy sugatan, 2 kritikal, 2 nawawala sa pagsabog sa Gulf of Mexico

SUGATAN ang 15 Pinoy workers nang sumabog ang isang oil rig  sa bayang sakop ng Gulf of Mexico.

Batay sa inisyal unofficial report ng Philippine Embassy sa Washington, nasa kritikal na kondisyon ang apat sa mga Pinoy habang ang dalawa naman ay nawawala .

“Initial unofficial reports reaching the Philippine Embassy said that two of the 15 Filipinos are in critical condition while two are missing as a result of the incident that took place 25 miles off Grand Isle in the Gulf of Mexico,” ayon sa ulat ng embahada.

Nabatid na pawang mga empleyado ng Grand Isle Shipyard Inc ang mga nasugatang Pinoy workers.

Sa naging pahayag naman ng US Coast guard Spokesman Carlos Vega, sumabog ang Black Elk Energy Company at kasunod ng pagdilim ng kalangitaan dahil sa kapal ng usok.

Kailangan namang dalhin sa West Jefferson Medical Center sa Louisiana ang apat na sugatan na umanoy nasa kritikal na kondisyon.

Ang pagsabog ay nangyari isang araw matapos na ipag-utos ng Justice Department na bayaran ng BP oil company ang naging pinsala sa karagatan sa pagtagas ng langis sa nangyaring Deepwater horizon explosion noong 2010.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply