15 Pinoy workers sa Mexico sugatan sa pagsabog

UMAABOT sa 15 Pinoy workers ang nasugatan sa  pagsabog sa isang oil rig Gulf of Mexico.

Sa ulat ng Philippine Embassy sa Washington, batay sa “initial unofficial reports”, dalawa sa mga Pinoy ay nasa malubhang kalagayan habang may dalawang nawawala rin.

Nabatid na ang mga Pinoy worker ay empleyado ng Grand Isle Shipyard Inc.

Nangyari ang pagsabog, isang araw matapos ipag-utos ng Justice Department na bayaran ng BP oil company ang naging pinsala sa karagatan sa pagtagas ng langis sa nangyaring Deepwater horizon explosion noong 2010.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply