1,500 OSY nakinabang sa manpower training sa Caloocan

MAGKATUWANG na binigyan ng importansiya nina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri ang mga out of school youth sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng libreng manpower training program.

Ayon kay Mayor Recom, umabot sa 1,500 na out of school youth ang kasalukuyang naka-enroll ngayon sa manpower training program ng lokal na pamahalaan na layuning mabigyan ng kaalaman ang mga residenteng hindi nakapagtapos sa kolehiyo.

Aniya, malaki ang maitutulong ng programang ito ng lokal na pamahalaan dahil sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataang hindi nakatuntong sa kolehiyo na magiging daan din upang makakuha ang mga ito ng maayos na pagkakakitaan.

Sinabi pa ng alkalde, tuloy-tuloy ang pagtanggap ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) na pinamumunuan ni Ginoong Roberto Cruz ng mga estudiyanteng gustong makakuha ng libreng manpower training program.

Ang sinumang interesadong residente ay kinakailangang may edad na 17-anyos pataas, high school graduate/level, out of school youth o kaya naman ay ang mga residenteng may edad na ngunit wala pa ring nakukuhang hanapbuhay.

Kinakailangan lamang magdala ng mga aplikante ng kanilang high school card/diploma, barangay certificate, cedula, anumang identification card, dalawang pirasong 1×1 picture, birth certificate at marriage certificate para sa mga kasal na.

Kabilang sa mga kursong maaaring makuha ng mga aplikante na may apat na buwang pagsasanay ay ang advance computer operation; computer hardware servicing NC II; consumer electronics servicing NC II; shielded metal arc welding NC II; automotive servicing; electrical installation and maintenance; commercial cooking; food processing; beauty care at massage therapy NC II.

Tatlong buwang pagsasanay naman ang dadaanan ng mga aplikanteng gustong kumuha ng dressmaking NC II; refrigeration and aircon servicing NC I; cellphone repair technician, basic computer operation at housekeeping servicing.

Kasama rin sa mga kursong maaaring matutunan ng mga aplikante ang gas metal arc welding (GMAW); curtain making; carpentry at iba pang livelihood training tulad ng food trade, soap and detergent making, candle making at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply