158 kuweba babantayan vs treasure hunters, vandals

POPROTEKTAHAN ng environmwent department ang may 158 na kuweba sa bansa laban sa mga treasure-hunters, vandals at looters, ito ang inanunsyo kaninang umaga.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources na ang mga kuweba, na nakakalat sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, ay bibigyan ng proteksyon ng DENR at ang mga lokal na pamahalaan.

Sinabi naman ni Environment Secretary Ramon Paje na ang mga kuweba ay isang valuable natural resource sa kanilang scientific, historical at cultural value.

“Yet they are also in constant threat from destructive human activities like vandalism, treasure hunting, pollution and illegal extraction of resources,” dagdag pa ni Paje.

Karamihan sa mga kuweba sa Pilipinas ay iligal na hinuhukay ng mga indibiduwal na naghahanap ng kayamanan, valuable minerals, artefacts na ibebenta bilang antigo o kahit ang stalagmites at stalactites na ibinebenta naman bilang dekorasyon.

Sa ilalim ng kautusan, ang 118 kuweba ay klinasipika na bilang sarado sa general public sapagkat sila ay mapanganib o may dalang valuable geological formations, threatened species o historical artefacts.

Tanging ang mga scientist at researchers lamang ang papayagan na pumunta sa loob ng mga kuweba, pahayag pa ng DENR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply