16-anyos itinanan, binatilyo ipinadampot

IPINADAKIP ang isang binatilyo matapos itanan ang dalagitang syota sa Caloocan City kahapon, Nobyembre 7.

Nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang suspek na edad 16 ng Maligaya St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, noong nakalipas na Oktubre 26, inaya ng suspek ang biktimang edad 16 na magpunta sa kanilang bahay at sumama naman ang huli.

Hindi na pinauwi ng suspek ang dalagita at kahapon ay nalaman ng mga magulang ng biktima ang lugar na kinaroroonan nito naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis.

Nang puntuhan ay nabawi ang biktima at sinabi nitong mahal niya ang suspek at noong nakalipas na Nobyembre 2, 2012 ay sapilitan siyang ginalaw nito.

Dahil dito, nahaharap sa kasong rape ang binatilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply