17 anyos na kasambahay, hinalay ng 80 anyos na amo sa Iloilo

INAKUSAHAN ng isang 17 anyos na kasambahay ang kanyang 80 anyos na amo na gumahasa sa kanya sa La Paz, Iloilo, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ulat ni Chief Inspector Alexander Rosales ng La Paz police, ang biktima ay nagharap ng reklamo sa pulisya kasama ang kanyang magulang nitong nakaraang Nobyembre 2.

Sa pahayag ng biktima, ang panghahalay ng kanyang amo ay naganap noong  Oct. 19, sampung araw makaraan ang paglilingkod sa bahay ng kanyang amo.

Sinabi ng biktima na pinuwersa siya ng suspek at sa matinding takot na may mangyaring masama, hindi na umano niyang nakuhang manlaban.

Habang ginagahasa, inataki ng hika ang kanyang amo kaya naitulak umano niya ito dahil sa pag-aalalang may masamang mangyari sa matanda.

Matapos ang panghahalay, inutusan pa umano siya ng kanyang amo na kunin ang kanyang gamot at pinagsabihan na ‘wag sasabihin kahit kanino man ang nangyaring panggagahasa.

Bago naganap ang panggagahasa sa dalaga, nagbigay umano ang suspek ng pera para sa pang-grocery at pambayad sa kanyan dental checkup.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek ang may-ari ng mga paupahang apartment at nag-iisang naninirahan sa bahay kasama ang tatlong iba pang kasambahay.

Nagsumbong ang biktima sa tatlong kasamang kasambahay, pero pinayuhan siyang balewalain na lang ang nangyari dahil matanda na umano ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply